Series

ADnAM – Yuan Teehankee (Ch. 6)

Basahin ang ika-limang kabanata rito


Kabanata VI

Kapag masakit ang ngipin mo, damay na ang buong katawan.

Hindi naman ako takot sa dentista. Si Vanna ang takot kaya halos magsama ito ng buong baranggay pang-moral support.

Nag-volunteer nang sumama si Maggie sa dentista. Iyon ang first time na nag-usap kaming dalawa. Seryoso rin naman pala itong kausap. Matalinong magtanong. I mean, masyado siyang logical. Bagay na bagay nga sila ni Yuan.

Napag-usapan namin ang tungkol sa buhay niya sa Julliard, kung paano siya naging model at ang frustrations niya sa pag-aaral. Solid, pati pala tulad niya nakakaramdam din ng frustrations. Mukha kasing positive lagi ang mentalidad niya kaya medyo nabigla ako.

“Do you think Yuan will marry me without the agreement?” Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Out of the blue naman kasi kung magtanong ito.

“Sa totoo lang hindi ko alam. Alam mo kasi iyang si Yuan madalas walang kibo. Malalim mag-isip. May kota nga ata yang salita sa isang araw eh.”

“I see. What is he like when you guys are together?”

“Huwag mo hahayaang malasing yan. Baka sukahan ka pa niya sa damit. Bad trip yan kapag maingay kami habang nagbabasa siya. Hayaan mo lang na kausapin ka niyang kusa. Mas magsasalita pa yan kapag tahimik lang kayong dalawa.”

“Really?”

“Palagi ka kasing maingay. Hehe. Bawasan mo.”

“Kaya pala,” akala ko mao-offend siya. Pero mas nakikinig siya kapag tungkol na kay Yuan ang topic. Sa kanilang dalawa, mukhang si Maggie pa ang sobrang in-love. “When we were driving to Batangas, I wasn’t speaking much because I was enjoying the view. Now that you mentioned… Oo nga, no? He speaks in silence.”

May mga tao talagang ganon. Weird. Hindi ko ma-gets.

“Ikaw ba binigyan mo na ng bulaklak si Van?” at ngayon sa’kin na napunta ang tanong.

Bakit ba kayong mga babae ginagawang standard ang bulaklak kapag nanliligaw, nagpapasuyo hanggang sa mga guni-guni niyo? Meron pa sa inyong gustong lumuhod kami sa harapan ninyo. No offense meant pero ano kayo, santo?

Minsan nakakapressure din naman ang expectations niyo. Ginagawa niyong fairy tale ang relasyon. Parang itong kausap ko. Naku! Tinalo pa yung sumulat ng Cinderella sa taas ng ambisyon. May sarili rin naman kaming paraan kung paano kami magpakita ng nararamdaman namin. Hindi ba pwedeng hayaan niyo kami?

Oops. Sorry. Nadala lang ako. Habang nire-rewind ko kasi itong convo namin medyo naiinis lang ako. Pero kung may magandang bagay man akong nakikita kay Maggie, yon ang effort niya para sa kaibigan ko. Siya na ang nanliligaw pero ayos lang iyon sa kanya.

“Mahal ko kasi,” yan ang sagot niya sa sinabi kong nakakapagod ang ginagawa niya. “Ikaw din naman gagawin mo ang ginagawa ko kay Van. In other way nga lang. It’s just awkward because in my case, I am the girl. It’s a norm that guys are the ones to please us. It doesn’t look right if we’re the ones to give you flowers. I don’t see anything wrong with that.”

“Pero kasi babae ka pa rin. Kayo dapat ang pini-please.”

“Well, I am not that kind of girl. I won’t wait for Yuan to notice me. I have to make my efforts even if they are aggressive.”

Nang mga panahong iyon, nagandahan ako kay Maggie. Hindi ko alam kung bakit. Astigin siya sa sarili niyang style. Kaya pala magkasundo sila ni Vanna.

Iyon ang last naming pag-uusap na kami lang dalawa. Pakiramdam ko nagtaksil ako kay Vanna ng ilang minuto dahil nagandahan ako. Buti na lang siya na mismo ang nagsabing nagagandahan siya kay Maggie.

“Kung lalake lang ako niligawan ko na yan,” sabi niya nang kami na lang dalawa.

“Eh hindi ka pa rin uubra. Sobrang lakas ng amats no’n kay Yuan eh.”

“Sinabi mo pa!”

*****

Never pa akong nasama sa mga outreach programs. Hindi ko naman kasi consider na program lahat ng ginawa namin sa community. Part kasi yon ng subject.

Sinama kami ni Yuan sa outreach ng company nila. Summer noon, nagbabagang init ang nakaabang sa’min. Pero sa community na pinuntahan namin, sariwa naman ang hangin. Nakakatuwa lahat ng mga bata dahil sobrang sabik silang makakita ng mga bagong nilalang. Para kaming bagong dating na artista nang salubungin nila kami. Never kong na-experience iyon.

Naglaro kaming tagtagan, tumbang preso, shato, balikbayan at patintero. Hagalpakan, tulakan hanggang sa magkagalos na kami.

Siyempre boodle fight pagkatapos ng laro. Siyesta sa isang kubo kung saan nagsiksikan kaming anim; ako, si Vanna, Yuan, Maggie, Brix at Leandro. Doon na rin kami naglaro ng klasik na spin the bottle.

Nakakainis dahil laging natatapat sa’kin ang bote. May sumpa ata ang araw na yon sa’kin.

Kaya naman ng matutok na ang bote kay Yuan, gumanti na ako.

“Kung hindi kayo fixed marriage, magugustuhan mo ba si Maggie?”

“Dare,” mabilis na sagot ng kumag. Akala niya siguro wala akong counter-attack.

“Kiss mo si Maggie!”

“Pards, what’s that you’re asking? That’s crazy!”

“Kiss! Kiss!” kantyaw namin hanggang sa halikan na niya ito sa pisngi.

Actually medyo nagsisi akong ginawa ko iyon. That night kasi, nabalitaan kong sumama pala ang loob ni Maggie kay Yuan.

At isang buwan niya itong sinuyo.

Hay. Mga babae talaga!

pexels-photo-121191

Standard
Series

ADnAM – Yuan Teehankee (Ch 5.)

Basahin ang ika-apat na kabanata rito


Kabanata V

Nakakainis talaga kapag nagki-kiss and tell kayong mga babae. I mean, bakit niyo pa kailangang sabihin kung paano at saan kayo naghalikan ng boyfriend niyo?

Sorry girls, ha? Pero ako kasi ang tipo ng lalake na gusto ng privacy sa mga bagay na ganyan. Kung naririnig niyo man kaming mga lalake na ginagawa rin ‘yon, hindi naman namin dinedetalye pa. Normal na sa’ming sabihin kung naka-iskor na kami o hindi. Pero hindi naman namin ipapangalandakan ang buong kaganapan.

Ito kasing si Maggie, eh. Kung pwede lang na pilayan buong katawan niya ginawa na niya. Eh paano, nakatikim kay Yuan ng halik.

Oo na! Alam kong excited kayong mga estudyante kong ikwento ang pag-uusap namin nila Maggie at Vanna. Pero respeto nalang din kay Yuan kaya hindi ko na masyadong idedetalye ang kwento ni Maggie.

Binisita namin siya noon. Sakto rin ang dating namin dahil ilang araw nang hindi nakakauwi si Yuan sa dorm. Actually 3 days din siyang hindi pumasok. Dinadalhan na lang nga ito ng damit ni Brix eh. Anyway, eto na.

VERBATIM

Vanna: You know what, sa lahat ng napilayan ikaw pa ‘tong halos magpa-party.

Maggie: What’s wrong with that?

V: You look weird, my love. Did something happen?

M: Would I be this happy if nothing happened?

V: Oh my God! Don’t tell me –

M: Hindi naman ‘yang iniisip mo. Grabe ka!

V: Kung makatingin ka kasi nakaka-ano! (biglang nagtilian ang dalawa na parang wala ako doon) So what now?

M: Seriously? You want to talk about it in front of Janno?

V: Don’t worry about him. Ok lang naman ‘yan kasi we do it as well. Di ba?

Janno: Kunwari wala na lang ako dito (pero ang totoo hiyang-hiya na ako)

M: Ok then. Anyway, it happened three times. Twice when I was conscious. Once when he thought I wasn’t conscious.

V: May conscious ka pa talagang nalalaman!

M: Eh bakit ba? I didn’t know he’s sweet like that. All this time I thought he’s really cold. The first one was quite long though. Kayong mga lalake (yup, Maggie was talking to me) ganyan pala kayo kapag excited no?

J: Maggie baka nalilimutan mong wala ako dito.

M: Whatever! Anyway going back (halinghing) it’s quite painful but I like it.

Solid! Hindi ko na talaga alam kung paano magre-react sa mga kasunod niya pang kwento. Ako na rin ang nahiya para sa kaibigan ko.

Pakiramdam ko buong magdamag kaming magkausap kahit isang oras higit lang iyon. Ang dami ba naman kasi niyang kwento. Nakakainis talaga lalo na pag tumitili silang dalawa. Buti na lang dumating ang doktor para sabihing pwede na siyang umuwi kinabukasan.

Mula nang maaksidente si Maggie ay hatid-sundo na siya ni Yuan. Grabe rin ang effort ng kaibigan ko sa kanya. Morning schedule kasi si Maggie at pang-hapon naman si Yuan. Tinalo pa ni Yuan ang high school dahil magdamag na itong naka-stay sa campus. Balita ko nga over-protective daw siya kay Maggie. Kada paglipat niya ng classroom ay pupuntahan niya pa ito para lang bitbitin lahat ng gamit niya.

At dahil doon, muntik nang hindi maging candidate for Summa si Yuan.

Napabayaan kasi nito ang subjects niya. Sa totoo lang nabigla ako dahil wala siyang pakialam kahit bumagsak pa siya. Samantalang ako, noong mga panahong iyon, sobrang ingat na ingat akong huwag bumaba ang grades ko.

Well, in defense kay Yuan sa mga nagsasabing mayaman kasi siya, masasabi kong hindi niya pa talaga alam ang gusto niya. Masyado kasi siyang nakakulong sa laboratory niya. Introvert kumbaga. At mas matindi siya kumpara sa’kin. At least naman ako, nae-expose pa rin at nakikihalubilo. Siya, madalas may sariling mundo.

“Naku bata ka. Ano na lang sasabihin ng mama at papa mo kapag bumagsak ka,” sabi ni Tiyang Magda nang minsang tumambay kaming apat sa kantin namin. “Sila pa man din ang nagpapatakbo ng JDU tapos ikaw babagsak ka.”

“Wala naman pong kaso ‘yon sa kanila,” sagot ni Yuan.

“Anong walang kaso? Kung ang ate mo nga nagngi-ngitngit sa galit noong naglasing kayong mga tukmol, ang papa mo pa kaya kapag bumagsak ka? Naku bata ka! Marami ka pang hindi nalalaman.”

“Tulad ng ano po?”

“Na pinapabantay ka sa’kin ng papa mo-” at tuluyan nang nadulas si Tiyang. Nakakatawa lang ang panlalaki ng mga mata niya at pagbilog ng bunganga niya. Pero parang wala pa rin iyon kay Yuan.

“Eh, Tiyang kung ganoon lagot ka rin pala kapag nalaman ni Tito na hindi ka nagsumbong noong nalasing kami,” wala naman akong nasabing mali pero hinampas pa rin niya ako ng sandok.

“Bumalik na nga kayo sa lungga niyo! Hoy ikaw, Nonong, ilipat mo muna yung mga case ng softdrinks doon sa likod.”

Kahit bihirang kumibo itong si Yuan, I appreciate his kindness. Siya kasi ang man of few words but full of actions. Hindi na niya sasabihin pa kung anong mga gagawin niya.

Napapadalas na rin ang pag-alis niya tuwing Sabado. Palagi itong wala kapag nagigising na ako. Nabalitaan ko na lang kay Vanna na nagpupunta pala ang mga ito sa Batangas. Doon daw sa rest house ng mga Lee kung saan sila naglalaro noong mga bata pa.

“Yuan,” sabi ni Vanna sa’kin one time, “you can’t predict the guy. He’s sweet today then the next thing you know he’s mad at you. Sometimes I pity Maggie for crying over him.”

“Baka naman na-misunderstood lang niya kung anumang nagawa ni Yuan?”

“Even if he told her he doesn’t like her?”

Ah, kaya pala.

girl-and-boy-playing-in-meadow

Standard
Series

ADnAM – Yuan Teehankee (Ch. 4)

Basahin ang ika-tatlong kabanata rito


Nasubukan niyo na bang umakyat hanggang 10th floor gamit lang ang hagdan?

Pwes ako, oo!

Solid ‘yon! Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa kong iyon nang dahil kay Yuan at Maggie at sa sinirang elevator ng mga siraulong estudyante.

Akala ko hindi na ako aabot dahil halos atakihin na ako sa puso. Buti naman hindi pa ako na-time’s up at sinigaw ko ang pangalan ni Yuan sa kalagitnaan ng test.

“Si Maggie. Nahulog.”

“What?” Medyo na-distract ako sa moment ng paglaki ng mata ni Yuan. Muntik na akong mapatawa kung hindi ko naalalang nadisgrasya si Maggie.

“Nadisgrasya siya sa practice-” the next thing I know, kumaripas na siyang takbo.

Hindi man lang ako hinintay ng matandang hukluban. Pero naiintindihan ko naman dahil kailangan niyang magpaka-bayani ng mga panahong iyon. Sa totoo lang, never naming nakitang mag-alala ng ganoon si Yuan. May sarili kasi itong mundo – iyan ang pagkakakilala namin sa kanya. Eh kahit nga yata magka-lindol wala pa rin itong pakialam eh.

Ako ang nasaktan sa nangyari kay Maggie. Walang halos makagalaw dito sa sobrang pamimilit sa sakit. Parang molecules na na-dissolve ang mga tao nang dumating na si Yuan. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang natatandaan ko na lang ay noong nandoon na kami sa ospital.

“Pards, ba’t hindi ka kaya umupo at mag-relax?”

Wala pa rin itong kibo. Naghihintay sa paglabas ng doktor. Para bang inooperahan na si Maggie ang pag-react ni Yuan. At kung kailan nasa aircon na kami ay saka ito pinagpapawisan.

Saktong pagdating nina Brix at Leandro nang lumabas ang doktor. May fracture daw ito at kailangang sementuhin ang kamay. Hindi kami makagalaw sa pwesto namin dahil ibig sabihin noon ay hindi na makakasali sa competition si Maggie.

Tulog na si Maggie nang pumasok kami. Hindi na rin naman kami nagtagal kaya hindi na namin ito naabutan hanggang sa sunod naming bisita.

Hindi rin umuwi ng dorm si Yuan. Actually, damang-dama namin ang taranta nito sa kakatawag kay Brix. Hindi nito alam kung anong pakakainin, kung paano pakakalmahin at kung paano aasikasuhin si Maggie. Kaya naman natural sa’ming matawa sa kilos niya. Para kasi siyang bulateng binuhusan ng asin sa pagkataranta.

“Pards,” sabi ni Brix sa huling tawag ni Yuan, “ba’t di kaya siya ang tanungin mo kung anong gusto niya? Pang-walong tawag mo na sa’kin. Patulugin mo naman ako! Mafa-fracture ang tenga ko sayo eh.”

“Sabi sa’yo walang magaganap eh,” biglang sabi ni Leandro pagkababa ni Brix ng cellphone.

“Meron ‘yan! Maniwala kayo sa’kin. Hindi niyo lang alam si Maggie ang tinutukoy noon ni Yuan na nagustuhan niya pero di naging sila.”

“Ano?” Magkasabay naming sagot ni Leandro.

“Oo kaya! Eh torpe itong si Yuan kaya akala ni Maggie yung kambal ang secret admirer niya. Bata pa lang si Yuan korni na yan. Pinapadalhan daw niya ng bulaklak si Maggie tatlong beses sa isang linggo. Minsan pa nga raw naglalagay siya ng mangga sa pwesto ni Maggie eh.

“Kaso ayon, akala ni Maggie yung kakambal ni Yuan ang admirer niya. Nakita raw kasi nila noon yung kambal na umaakyat sa puno ng mangga kaya akala niya sa kanya galing yung mga mangga.”

“Ungas talaga! Dapat sinabi niya!”

“Kung makapagsalita ka akala mo hindi ka rin torpe,” buti na lang naiwasan ko ang kutos ni Brix. Masakit kayang makutusan ng bull ring. “Hanggang sa namatay yung kambal niya at umalis na si Maggie.”

 

Marami pa talaga kaming hindi alam kay Yuan.

*****

Walang humpay pa rin ang bangayan ng dalawa kahit naoperahan na lahat-lahat si Maggie. Walang patawad ang kasungitan ni Yuan kahit kasama nila kami.

Naiintindihan ko naman. Ganoon na ka-komportable si Yuan sa’min. Napansin ko kasi kapag nasa maraming tao ay mabait ito kay Maggie. Pakitang hasang? Malay ko. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero sabi ni Vanna sa’kin ibang-iba raw si Yuan kapag sila nalang dalawa.

Nakikinig lang daw ito sa lahat ng mga kwento ni Maggie. Hindi na raw ito aburido sa kadaldalan niya. Minsan daw ay ngingiti pa ito hanggang mawala na ang mga mata niya. Hindi ko ma-imagine na ganoon si Yuan. Suntok sa buwan kasi itong ngumiti lalo na sa ibang tao.

“Maganda iyan,” iyon na lang ang na-comment ko sa kwento ni Vanna. Ang hirap kasi talagang ma-imagine lahat ng nabanggit niya sa’kin.

“You know what, Yuan is hard to understand. But Maggie does well in handling him. She understands what he is thinking. Alam mo, when we were still in New York, may sinabi siya sa’kin eh. Akala raw niya noong una si Yuan ang secret admirer niya noong bata pa sila. When she found out that it was his twin brother, iyon daw ang first heartache niya. Imagine? She was just 6 years old at that time.”

“Teka, sinabi niya ‘yon?”

“Yes, she did. And it got worse when she hadn’t heard from him when she’s in New York already. He stopped calling her. Not even a single letter sent to her. There was a time when I caught her crying before her first performance as a ballerina. Everyone wished her good luck except for Yuan.”

“Baka naman hindi alam ni Yuan.”

“Impossible. Their families are close. Isa pa, Yuan will know because everybody does. I wonder why he acts cold towards her.”

Actually, iyan din ang tanong ko kay Yuan eh. Bakit nga ba?

ballet-sneaker-dress-ballet-dancer-163379

 

 

 

 

 

 

 

 

Standard
Stuffs and others

Wag Kang Choosy, Di Ka Yummy!

Madalas ko nang marinig iyan sa mga kaibigan kong bakla at pusong bakla. Choosy ako sa mata nila. Pero ang hindi nila ma-gets ay ang difference ng pagiging choosy sa pagkakaroon ng standards.

Bago ko ikwento ang personal experience ko, hayaan niyong i-differentiate ko muna ang ‘choosy’ sa ‘pagkakaroon ng standards’.

You are choosy when you let too many good guys pass by. The reason? You don’t know exactly what you want. Sa sobrang dami mong gusto, they turned out to be something you don’t like.

Whereas when you have standards, it’s crystal clear to you. You know who you will date. You know who’s the good and the bad guy. Yes, you may have broken up with several guys. But that’s because they did something that doesn’t conform with your standards.

First Date Problems

So, eto na ang kwento kaya ‘choosy’ ako.

I was in 4th year college when I had my first real date. I won’t tell other details because they’re too sensitive. Anyway, I met this guy through a common friend. We had our date sa isang coffee shop near our university.

Buti na lang medyo mautak ako. I made sure that the place is surrounded by many people – someplace where I could run to my friends easily in case of emergency. So girls, if you are going on a blind date, make sure na maraming tao ang nagpupunta sa spot na iyon. Never ever isolate yourself with a guy na kakakilala mo palang.

Going back, nothing bad happened to me. Except that I felt intimidated. Yes, nanliit ako sa sarili ko over the course of our date.

Don’t get me wrong. He wasn’t the ma-ere type of guy. As a matter of fact, he grew up from the province. Pero may kaya ang pamilya nila. Mayaman si Papa! So, you can think of a simple lifestyle yet well-provided pa rin.

What intimidated me were his achievements. I hate to mention this because it may sound mayabang sa iba. But imagine dating a guy who had his MBA at one of the most prestigious universities in the Philippines and currently a flight instructor sa (as far as I know) pinakamahal na aviation school sa Pinas.

I am not exaggerating things. Until now I couldn’t believe that I bumped into this guy. We are just in the middle class. I may have known wealthy families but not as wealthy as theirs.

I swear to God that I wanted to evaporate at that time. I was just a normal graduating student at that time. Yet, I was facing this kind of man. He was kind to drop me at my school although he wanted me to skip classes. Hell no! You just intimidated me so there’s no point to prolong my agony.

The Day I Became Choosy

That’s when I promised myself that I would never date a guy who achieved so much compared to mine. I mean, someone who’s far from reach.

So I keep on working my ass off. Until it came to a point that I set standards when dating a guy. Of course, it would be unfair for me to date someone who settles for mediocrity or do not have clear goals. I am not the kind of girl who will push you to have your own dreams. That’s forcing, you know. If I force someone to build their own dreams, then it’s not them. I am creating my desired image out of them.

Siguro kaya naging ganito rin ako ‘ka-choosy’, it’s because of what I see from other girls. I do not want to be like those who have shattered dreams. I am not judging them. I just don’t want to have any regrets.

Since the day I decided not to get intimidated again, for some reason, I became vulnerable to seeing what went wrong with other girls my age. Naiisip ko palang if I end up like them and date someone like my first one, baka wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya.

Call it harsh and prideful but that’s how intimidation changed my mindset. Gusto kong maranasan na proud ang magiging boyfriend ko because I achieved something – not just because I am his girlfriend. Yung tipong ipangangalandakan niya sa lahat na, “uy, yung girlfriend ko sexy na, MBA pa!”

Siyempre, gusto ko gano’n din ang eksena ko. Ipagmamalaki ko siya hindi lang dahil boyfriend ko siya. Given na kasi iyon eh. Gusto ko may ibang bagay pa na ipagmamalaki ko about him.

What I Am Trying To Point Out

Ok, alam kong my thoughts sound off to some. But I want the single ones to realize na do not get frustrated because of your status. Actually, it’s more frustrating if your special someone intimidates you. Alam niyo ‘yon? Yung feeling niyo ang liit-liit niyo na. Yung feeling na, you exist because you are their special someone. You live behind their shadows. Come on! You have your own shadow too, which is your inner self.

And it’s even more frustrating to hear your boyfriend or girlfriend praising someone’s achievements. Nakakaselos kaya iyon kapag pinupuri nila ang ibang tao. Nakaka-challenge. But sometimes, we can never take on those challenges because we are in a relationship. We give time to make that relationship work that you don’t have time to take on that challenge – and that is to surpass somebody else’s achievement. Eh siyempre, nagseselos ka so you create this competition.

Plus factor kasi talaga kapag may napatunayan ka. It doesn’t have to be something big. It has to be achieving your goal. Aminin niyo, bet niyo ang guys na maganda ang trabaho, di ba?

I urge you to take your time improving yourself. So what kung wala kang date every Valentine’s? Isang araw lang ‘yon! Ano ba namang isakripisyo mo ang isang araw para sa araw-araw na Valentine’s Day feeling in the future?

But remember, WAG KANG CHOOSY, HINDI KA YUMMY!

Standard
Series

ADnAM – Yuan Teehankee (Ch. 3)

Pumunta rito para sa ikalawang kabanata


Bibihira ang babaeng madaling suyuin. Madalas gusto nila ng chocolates, flowers, tapos kung anu-ano pang efforts. Solid na effort I mean.

Mali ang expectation ko sa tulad ni Maggie. Mababaw lang ang kaligayahan nito. Basta’t mag-sorry ka lang at mag-promise na hindi na mauulit ay ok na siya. Sinabihan din kasi namin si Yuan na maging mabait kay Maggie para hindi na rin kami nadadamay. Nahiya siguro ang matandang ungas.

“She just wants to be appreciated,” ‘yan ang nabanggit sa’kin ni Vanna.

Nang minsang tumambay ako sa shop ni Vanna, nabigla akong magkasama sila Maggie at Yuan. Sobrang saya noon ni Maggie samantalang poker face ang ungas. Bitbit nito lahat ng pinamili ni Maggie. Mukha itong kargador na intsik.

“Pards, ayos ah. Tagabitbit ka na rin ngayon. Akala ko driver ka lang. Bagong sideline?”

“Ungas ka talaga. I am just helping her. Sabi niyo try to be nice tapos ngayon mang-aasar ka pa.”

“Ikaw talaga di ka mabiro. Pero seryoso, buti mabait ka na sa kanya ngayon?”

“Takot ko lang sa ate ko. I guess it’s also good to have fun once in a while. To be honest this whole thing brings my focus back.”

Kaya pala lately mas subsob sa pag-aaral itong si Yuan. Bumaba kasi ang grades nito sa sobrang daming ginagawa. Hindi pala ito pumapasok dahil may dinedevelop itong new technology. Hindi ko lang ma-gets kung bakit Business Management ang kinuha nito. Kung sa bagay, siya rin kasi ang magma-manage ng family business nila.

“Excuse Pards ha,” pinanuod ko siya kung paano makihalubilo kay Maggie. Nandoon pa rin ang inis nito pero hindi na tulad noon. Naco-control na niya kumbaga. Hindi ko rin maintindihan minsan kung bakit naging sukdulan ang inis niya. Kung anuman ang dahilan, abangan niyo na lang sa next chapters.

“They look cute, ‘no?” Nabanggit ni Vanna nang makaalis na ang dalawa.

“Ano palang ginawa niya dito?”

“She gave us this,” sabay pakita ng pasalubong galing Batangas. “She’s still the sweetest you know? Pasalamat si Yuan dahil hindi lang ito fixed marriage. Maggie loves him. As a matter of fact she keeps a picture of them since I met her sa New York. I am not sure kung nandoon pa rin ‘yon.”

May nabasa akong article. Ang picture na nasa wallet mo raw ang taong pinaka-importante sa’yo. Ibig sabihin ay importante si Yuan kay Maggie. Hindi naman kasi mahilig mag-wallet si Yuan. Card holder lang ang meron ito. Alam mo na, mayaman eh.

Kaya nang magpatulong si Maggie na bilhan ng regalo si Yuan, sinuggest kong bigyan itong wallet. Sinamahan namin ito ni Vanna. Nabigla lang ako sa ginawa niya. Nilabas nito lahat ng pictures na nasa wallet niya at nandoon ang isa pang picture ni Yuan noong bata pa ito.

“All this time, Maggie?”

“What all this time?”

“I mean, all this time tago-tago mo pa rin ‘yan?”

“Why not? We’re cute here.” Pero parang putol ang picture. Tinanong ko iyon pero sabi niya, “it’s nothing important. Shall we eat guys?”

Mahirap kapag kasama si Maggie. Palaging may matang naka-matiyag sa’min. May mga iilang nagpapa-picture. Mabait naman si Maggie. Imbes na 10 minutes lang ang arrival time namin sa resto ay naging 30 minutes. Ine-entertain kasi nito ang mga lumalapit sa kaniya.

Napag-usapan namin ang personal niyang buhay. Pinili raw nitong tumigil sa modeling para mag-focus sa pag-aaral. Kahit pala ang tulad niya may insecurities pa rin. Gusto rin nitong ipagmalaki siya ni Yuan. Sa kanilang dalawa ay mas achiever daw itong si Yuan mula nang bata pa. Madalas daw itong magpatulong sa mga assignments niya. Kapag recitation daw ay savior niya si Yuan. Isang beses pa nga raw ay napatayo si Maggie kaya ang ginawa ni Yuan ay hindi rin sumagot para lang may kasama si Maggie.

“Science is my weakness,” kwento pa niya. “I’ve never been good at it. Science is his greatest strength that he doesn’t need proper schooling anymore. Although he told me he plans on going abroad to study computer engineering at MIT. Late na lang kasi niyang na-discover ang course na gusto niya talaga. He’s just exploring right now.”

Kapag mayaman ka marami kang pang-aral. Pero may iba na hindi na mag-aaral. Happy go lucky na lang. Akala siguro nila habang-buhay silang mayaman.

“Maggie, pwede bang magtanong?”

“Sure, Janno. Please go ahead.”

“Bakit ba ganoon ka nalang kainisan ni Yuan?”

Napaisip itong malalim. Akala ko na-offend siya. Buti na lang hindi. Sinagot niya iyon kung ano sa tingin niya ang rason.

“I think he’s still mad because I didn’t keep my promise. I told him I won’t go away. But you know, things change – and so is my mind. I got accepted sa Juilliard unexpectedly and I badly wanted to take that opportunity. Since then, he won’t talk to me na.”

Hindi acceptable para sa’kin kung iyon man ang rason. Ang babaw kasi kung sakali mang hanggang ngayon ay galit pa rin si Yuan dahil doon. Pero may mas malalim pa na dahilan ang mga bagay.

At muli, abangan niyo na lang kung ano iyon sa susunod na chapters.

5638975521_63054f106a_z

Standard
Series

ADnAM – Yuan Teehankee (Ch. 2)

Pumunta dito para sa unang kabanata


Pambato ng JDU si Yuan sa debate. Sinabak na ito sa national debate team first year pa lang kami. Pagdating ng second year siya na ang president ng debate team – hindi ng JDU kundi national team.

Tag team sila ni Kim Chua na barkada ni Catherine. Magkaklase ang mga ito at magkalaban sa pagiging JDU Student of The Year. Sa pagkakaalam ko magkasundo ang mga ito. Paano ba naman madalas siyang pagselosan ni Maggie. Siya rin ang dahilan kung bakit “mas” madalas ang pag-aaway nilang dalawa.

Dahil barkada ni Catherine si Kim, malamang sa malamang mas madaling magustuhan ni Yuan ito. Demure, achiever, at kalmado. Kabaligtaran ni Maggie. Don’t get me wrong. Achiever din naman si Maggie. Masyado lang itong competitive kahit wala namang kalaban.

Nagsimula ang competitive behavior niya nang magsagutan sila sa harapan naming tatlo.

Ganito kasi iyon…

Magkikita-kita kaming apat para mag-ice skating. Sakto ang pagdating ni Maggie sa pagdating ni Yuan. Kasama nito si Kim. Hanggang sa nagalit si Maggie dahil mula umaga ay hinahanap na niya ito. Solid ang kaba ko noon dahil akala ko mag-aaway din si Maggie at Kim. Hindi tuloy kami nakapag-ice skating.

“Bad trip!” Buong magdamag dalawang salita lang ang maririnig mo sa kanya.

Nalaman na lang namin na si Maggie na ang bagong cheerleader ng pep squad. Alam kong balak nitong sumali ng debate team sa susunod na taon. Kung anuman ang kinahinatnan abangan niyo na lang sa susunod na chapters.

Siyempre dahil pantasya ng mga lalake, palaging dinudumog ang gym tuwing may practice sila. Akala niya siguro magseselos si Yuan. Pero walang pakialam itong kaibigan ko. Madalas lang siyang naka-focus sa pag-aaral, debate, at trabaho niya sa kanilang kumpanya.

Minsan nakakaawa rin si Maggie kapag nagsusumbong kay Vanna. Ginagawa niya lahat ng makakaya niya pero wala pa ring kwenta kay Yuan. Napakahirap siyang mapansin ni matandang hukluban.

Ayokong makialam sa kanila noong mga panahong iyon. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin kay Yuan. Masyado itong pribado. Napakahirap sa kaniyang mag-open up. Hindi ko nga rin alam kung paano namin ito nakaclose eh. Siguro dahil sa mga panahong nag-over-the-bakod kaming apat para mag-night out. Dumadalas iyon mula nang dumating si Maggie.

“Can you imagine? She’s demanding too much! She wanted me to drive her home hanggang sa school. Ano ako? Driver niya?”

“Pards, pagbigyan mo na. Magiging asawa mo na ‘yan eh.”

“Brix, I am not even interested with our engagement party. If only Frankie’s alive then I wouldn’t be in this situation.”

“Lasing ka na naman. Maglasing ka pa!”

Unforgettable ang gabing iyon. Pinatawag ni Tiyang ang mga magulang ni Yuan dahil sumuka ito sa lobby ng dorm. Nahuli tuloy kaming tumatakas gabi-gabi. Pero sa halip na mga magulang ni Yuan ang dumating ay ang ate nito ang nagpunta.

Solid ang ganda ng ate ni Yuan. Parang porselana ang kutis. May asawa na ito at may isang anak na lalake. Nakakatakot noon ang ate niya nang pagalitan kaming apat. Akala ko makukunan siya noon.

“I don’t want this to happen again. Malilintikan kayong apat sa susunod na mangyari ito. Ako mismo ang mag-eexpel sa inyo kapag naulit ito.”

Nadamay pa tuloy kami sa pagka-inis ni Yuan. Bawal ang mga babae sa boys’ dorm. Pero siyempre ate iyon ni Yuan – may posisyon sa school – so alam niyo na kung bakit.

“Yuan, the next time I heard complaints from Maggie I will have you grounded. No credit cards, no cars, no laboratories. School and dorm with a bodyguard beside you. Are we clear?”

Nakakatakot ang ate niya. Pero mas nakakatakot ang erpat nito. Isang beses ko palang itong nakita ng personal. Hindi ako pinansin. Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Nakakapanliit.

Noong gabing iyon, matapos kaming pagalitan, first time mag-open up ni Yuan. Mula raw ng mamatay ang kakambal nito ay pinaghigpitan na siya ng kaniyang mga magulang. Naging mapili ito sa mga kaibigan niya. Halos pati pag-nguya kulang na lang ay ipagawa sa kanilang mga kasambahay. Kaya lang naman ito pinayagang maging independent ay dahil din sa ate niya. Kaya mula nang gabing iyon ay palagi na silang magkasama ni Maggie.

Oo. As in solid! Magkasama sila araw-araw. Demanding itong si Maggie. Tingin ko dala ng insecurity niya kay Kim.

*****

May mga times na naiirita ako kay Maggie. Sabi ni Vanna intindihin ko na lang daw dahil spoiled ito. Alam kong nahihirapan din naman ang barkada ko sa ugali niya. Pero may good side din naman si Maggie.

Tulad ng pagtiyaga niya sa ugali ni Yuan. Wala kasi itong pakialam sa mga tao sa paligid niya.

Minsan ay nakasalubong ko si Maggie. Wala ito sa sarili niyang tumatakbo. Hinahanap si Yuan. Hindi raw niya kasi sinasagot ang tawag nito. No choice kundi tulungan siya. Tinawag na rin namin ang dalawa. Sabay-sabay naming hinanap ang nawawalang si Yuan.

Akala ko aabutin kami ng madaling araw. Nagsimula kami ng alas tres. Nahagilap namin siya alas onse na yata noon ng gabi. Patay ang phone niya. Kitang kita ko ang pag-alala noon ni Maggie. Naiiyak na ito kaya’t nagpaalam na ako kay Tiyang na mahuhuli kami sa curfew. Pinayagan naman kami nito nang mapaluha na si Maggie.

Kung hindi pa maiisipan ni Brix na magpuntang Batangas ay hindi namin ito makikita. Hindi pala ito pumasok at nagkulong sa kaniyang laboratory.

“What are you doing here?” Galit na galit si Yuan nang makita niya si Maggie.

“I’ve been looking for you but you are not answering my calls.”

“It’s not even my obligation.”

“Pards, chill,” naaamoy na naming tatlo noon ang bangayan.

“You could have at least told one of us that you will be here.”

Alam na alam ko na kapag nasagad na si Yuan sa kainisan. Hihinga itong malalim, magiging matulis ang tingin niya, lalapitan ka niya at sasabihing…

“Shut up.”

Pero siya ang na-shut up sa lakas ng sampal ni Maggie. Masakit iyon. Parang natanggalan ng panga ang kaibigan ko. Saka nagtatakbo sa labas si Maggie. Hinabol ko na ito. Nag-alala ako kasi baka mapano pa ito. Magdamag itong umiyak sa’kin. Awang-awa talaga ako sa kaniya.

“Gusto ko lang naman mapasaya siya. I know all about his pressures because Kim told me. I am reaching out to him but he won’t let me touch him. He’s not the same Poknat anymore and I don’t know why.”

3173008391_640db6a329_z

Standard
Series

ADnAM – Yuan Teehankee

Dahil tapos na ang kwento ko, kay Yuan naman ang ikukwento ko. Pasensya na Pards pero dinudumog na ako masyado ng mga dating estudyante ko eh.


Ikalawang kwento: Yuan Teehankee

Unang kabanata

Gwapo, matalino, mayaman.

Ayan ang pang-karaniwang dream boy ng kahit sinong babae. Maraming ganyan sa JDU. Pero kapag mas naging specific ka pa, tulad na lang ng chinito, isang pangalan lang ang titilian ng mga babae.

Yuan Teehankee.

Para siyang isang karakter na nilikha para sa isang pelikula. Nasa top 10 richest family ang angkan nila. Maimpluwensya rin sa Asia at Europe. Marami silang mga negosyo at investments. Isa na roon ang Juan de Dios University. Kung anuman ang naiimagine niyo na dream boy niyo, si Yuan ang living legacy noon.

Pero habang nakakasama ko si Yuan napapaisip ako. Kahit pala pinakamayaman posible ring maging pinakamalungkot. Sa sandaling panahon naging mayaman din naman kami. Pero hindi tulad ng mga Teehankee.

Noong una hindi ko alam kung bakit sobrang woman-hater ni Yuan. Akala ko nga baluktot siya eh. Pero as usual, babae rin ang dahilan.

*****

Mag-uumpisa kami sa second year nang pumutok ang balita. Teehankee Set To Tie The Knot With Lee.

Wala kaming kamalay-malay na may fiancee na pala si Yuan. Hindi kasi ito masyadong nagbabanggit tungkol sa mga nakarelasyon niya. Actually, wala namang naging official. May nagustuhan daw siya pero hindi naman naging sila.

“Pards, ikaw hindi mo sinasabi magkakilala pala kayo ni Margaret ha.”

Hindi ko naman talaga alam noong una na sikat na model pala ito sa New York. Nalaman ko na lang sa birthday party ni Yuan. Kaya pala ganoon ang tono ni Brix nang sabihin niya iyon. Dahil malamang sa malamang pinagpantasyahan niya rin si Maggie.

“Please let’s not talk about this.”

“Ikaw talaga ang init ng ulo mo. Kung hindi pa ibabalita sa’kin ni Aida hindi namin malalaman.”

At dahil obligado siyang mag-kwento, nabanggit niya sa’ming kababata niya raw ito. Nag-aral sa Juilliard at youngest sa batch nila. Huminto nang sumikat sa modeling industry. Napauwi ito dahil sa engagement nila. Naisipan na rin niyang sa JDU mag-aral para “subaybayan” si Yuan.

Sa totoo lang nakakainis kapag bawat kilos namin ay minamatyagan. Kahit wala kaming gawing masama ay binibigyan na ng malisya. May mga babaeng makita lang na may kausap kaming chicks ay magseselos na agad. Kapag tinanong nila kung mataba sila, kahit oo o hindi ang isagot namin, mai-insecure pa rin sila.

Ganoon daw ang ugali ni Maggie. Kaya ganoon na lang siyang kamuhian ni Yuan. Naalala raw niya kasi noong bata pa sila bigla na lang siya nitong tinulak pagkatapos makipag-usap sa isang babae. Hanep. Bata pa lang PBB teens na.

Naging matunog ang pangalan ni Maggie sa school. Mas marami akong nalaman tungkol sa kanya dahil malapit sa kaniya si Vanna. Madalas daw kasi itong magsumbong sa kanya kapag magkaaway sila ni Yuan. Minsan nga sila na ang topic namin kapag lumalabas kami.

Gaya ng nabanggit ay isang model sa New York si Maggie. Nasaktuhan kasing napanuod siya ng isang sikat na photographer noong recital nila sa theater. Sa loob ng tatlong buwan ay sumikat na siya.

Isa raw siyang ballerina at equestrienne.Nag-iisang anak which means nag-iisang tagapagmana rin ito. Akala ko nga lahat ng Intsik traditional eh. Gusto nila ng lalakeng anak dahil sila ang tagapagmana. Tapos kamumuhian kapag walang anak na lalake.

Sobrang mahal daw si Maggie ng mga magulang niya. Kaya kahit pakakasalan ay sila ang namili.

Technically, matagal nang napagkasunduan ang engagement. Hindi pa raw sila ipinanganak mag-fiance na raw sila.

Sakaling mawala ang kambal ni Yuan.

Kapag naaalala ko iyon nabibigla pa rin ako. May kakambal pala itong si Yuan. Namatay ito noong 7 years old silang tatlo. Hindi ko ito nalaman kay Yuan. Nalaman ko ito nang minsang marinig kong nag-uusap si Maggie at Vanna.

Ang nangyari, niyaya raw si Yuan ng kakambal niyang mag-swimming pagkatapos nilang magbasketball. Tumanggi raw si Yuan dahil natatae raw ito. Pulmonya ang ikinamatay ng kakambal niya. Yuan Francis ang pangalan niya. Frankie for short.

Kaya ayon, minalas ang kaibigan ko’t engaged ngayon sa kinaiinisan niyang babae. Para sa’kin ok naman si Maggie. Makulit nga lang. Sa pagkakakilala kasi namin kay Yuan, tahimik at suplado ito. Ayaw niya kapag maingay na kami masyado. Iyon bang wala nang saysay ang asaran namin. Matandang ungas na nga ang tawag namin sa kanya eh.

Power couple daw sila. Iyon ang sabi-sabi. Parehong matalino, parehong may ibubuga, parehong may posisyon sa lipunan, parehong Intsik. Pero hindi sila pareho pagdating sa ugali at nararamdaman. Masyadong tigang ang kaibigan ko. Masyado namang makatak ang kaibigan ni Vanna. Minsan nga nagtataka ako kung paano sila kapag lumalabas. Baka halos hindi na nagsasalita si Yuan. Una, tahimik siya. Pangalawa, mas maraming sinasabi si Maggie.

 Wala naman talaga akong balak isulat ang love story nila. Buhay na nila iyon. Inaraw-araw lang talaga ng mga dati kong estudyante na i-publish ko ang love story nila. Actually, nagtuturo pa lang ako noon sa JDU dinudumog na ako. Pasalamat na lang sila dahil pumayag si Yuan. Pero siyempre may mga io-omit pa rin ako to respect their privacy.

Sa mga panahong kasama ko si Yuan, nagpasalamat na lang ako dahil hindi ko sila katulad. Ang hirap kasi kapag maraming nakikialam sa relasyon niyo. Kaya maraming beses na nasasaktan ni Yuan si Maggie. Dahilan para halos hindi matuloy ang engagement nila habang natututunan na nilang mahalin ang isa’t isa.

10330868556_184b9caec1_z

Standard